Paano kakandidato roon?: Aga Muhlach ‘NPA’ sa CamSur

MASAYA pero nagtataka raw ang mga Bicolano kung paano magre-represent sa kanila si Aga Muhlach sa Kongreso gayong hindi naman daw ito residente sa kanilang lugar. Puwede ba ‘yung bigla na lang daw siyang susulpot at kakandidato sa isang lugar na walang tirahan? Balitang sa Polangui, Albay daw siya tatakbo dahil ito ang lugar ng kanyang tiyahing si Amalia Fuentes. Hindi ba’t probinsya na ng Albay ito at hindi Camarines Sur?

Sabagay kalat-kalat ang mga Muhlach sa Bicol. Baka sa ibang kamag-anak nila sa CamSur siya susukob para doon siya mag-file ng kanyang candidacy?

Kung ang tatargetin naman niya ay ang mayoralty position mas lalong personalan ang labanan d’yan at baka hindi niya kayanin ang mga isyung ipupukol sa kanya. Baka paratangan pa siyang isang NPA (no permanent adress, hehehe!).

Anyway, noong mga nakaraang taon daw ay parating nasa CamSur Watersports Complex (CWC) ang aktor para maglaro ng wakeboarding at kapagdaka’y pupunta sa Legaspi at ibang bayan at magliliw-aliw. Well, baka naman palihim na niyang trinabaho ang mga kailangang requirement ng isang kandidato para ma-qualify siya sa lugar na tatakbuhan n’ya.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata. Manalo kaya siya? Si Nora Aunor na-Luz Valdez doon nang tumakbo siya bilang gobernador ng Camarines Sur. Samantalang si Manoy Eddie Garcia, matagal na raw kinukulit ng mga taga-Sorsogon na kumandidato sa kanila pero umaayaw daw ito. Imbes na mag-run ay sinuportahan na lang niya ang isang grupo ng mga Bicolano na nagtayo ng partylist.

Si Roderick Paulate naman doon pinatatakbo sa isang bayan ng Albay ngunit mas pinili niya ang Quezon City bilang konsehal. Good for him dahil nag-number one yata siya sa kanyang distrito. While si Elizabeth Oropesa na matagal na ring may planong pumasok sa pulitika kaya lang wala namang balita ang mga Bicolano kung tutuparin n’ya ito.

***

Wako-Wako waging-wagi sa ratings

ILANG linggo lang matapos ang engrandeng paglulunsad nito, ang “Wako Wako” ay siya nang pinakapinapanood na fantaserye sa buong bansa.

Patunay sa tagumpay na ito ang mataas na TV ratings. Sa katunaya’y parati ring kabilang ang programa sa kabuuang listahan ng top 20 na mga pinakatinatangkilik na programa sa telebisyon.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media noong Marso 19, nakakuha ang “Wako Wako” ng 17.1% na di-hamak na mas mataas kaysa sa 11.5% na nakuha ng isa ring fantaserye sa kalabang istasyon.

Kamakailan lang din ay naging trending topic sa Twitter worldwide ang nasabing fantaserye, kung saan marami ang humanga sa ganda ng kwento’t aral na mapupulot mula dito.

Samantala, nung nakaraang linggo sa “Wako Wako,” lalo pang tumindi ang labanan sa pagitan nina Diyosa Marishka (Ai Ai delas Alas) at Ukaw-Ukaw lalo’t nais ng dating kakampi na maghari sa Arukanan.

Tunghayan ang “Wako-Wako,” gabi-gabi sa Primetime Bida. Para sa iba pang impormasyon, i-like ang http://www.facebook.com/pages/Wako-Wako.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply