Paaralan sa Zamboanga bantang susunugin

NAGBANTA ang grupo ng dumukot sa dalawang guro sa Zamboanga na kanilang susunugin ang paaralan kung saan nagtuturo ang mga biktima.

Ito ay matapos hindi tumugon ang pamilya ng dalawang public school teachers sa itinakdang 36 hours deadline para magbayad ng P4 million ransom kapalit ng kanilang kalayaan.

Ayon kay Philippine Army 1st Infantry Tabak Division public information officer (PIO) Capt. Albert Caber, sinabi nito na nakatanggap ng impormasyon ang militar at pulisya sa lugar na planong sunugin ng grupo ni Mangangao Elias na may hawak sa dalawang guro ang anim na classrooms ng Bayog Falls Elementary School na nasa sitio Limunsodan, Barangay Rogongon, Iligan City.

Ang naturang mga paaralan ay naunang ibinigay sa pamamagitan ng donation ng Australian government.

Ayon kay Caber, ang dahilan sa planong pagsunog ng mga kidnapper ng dalawang bihag na sina Rene Somadang at Tino Sanchez ay bunsod ng hindi pagsunod na magbayad ng ransom ang mga kamag-anak sa itinakdang deadline.

Tiniyak naman ng nasabing Army official na may mga tropa na ring naka-standby para sa paglulunsad ng rescue operation para marekober ng ligtas ang dalawang kinidnap na public school teachers.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply