Pabahay ng NHA apektado sa oil price hike

NAAPEKTUHAN na rin ang pabahay ng pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petrolyo sa bansa.

Ayon kay National Housing Authority Gen. Manager Atty. Chito Cruz, sa ngayon aniya ay pumapalo na sa 20% ang itinaas sa presyo ng construction materials gaya ng semento, bakal,  graba, buhangin, kahoy, yero, pako at iba pa.

Dahil dito, ang dating P175,000 na halaga ng bawat unit na pabahay ng NHA ay papalo na sa P240,000 ang babayaran ng bawat beneficiary.

Gayunman, nilinaw ni Atty. Cruz sa ngayon na hindi magbabago ang P200 monthly payment ng mga benefeciary sa loob ng 25 taon dahil pagsapit aniya  ng 26 na taon ay magbabago na at doon pa lamang papalo sa P1,300 ang kanilang huhulugan upang mabuo ang 30 years full payment.

Pero ang dating 32 square meters na lot area ay gagawin ng 36 square meters at magiging 2 palapag na ang magiging bawat unit ng NHA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply