Pacman ‘di suportado ng Kamara vs BIR

BIGO si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na makuha ang suporta ng kapwa mga mambabatas sa kanyang pakikipag-boxing sa ilang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa halip, pinayuhan na lamang nina House Speaker Feliciano Belmonte Jr.at Representatives Antonio Tinio (ACT Teachers), Raymond Palatino (Kabataan) at Walden Bello (Akbayan) tungkol sa panawagan nito kay Pangulong Noynoy Aquino na sibakin si Atty. Rozil Lozares, director ng BIR Region 12.

Sinabi ni Belmonte na dapat dumaan sa normal na proseso si Pacquiao sa halip na humanap ng presidential intervention para maresolba ang gusot nito sa pagitan ni Lozares na nagsampa ng kaso laban sa pound for pound king dahil sa pagbalewala sa summons sa kanya na magsumite ng tax records.

Para naman kay Tinio, bilang opisyal at role model, mahalaga na maging tamang halimbawa si Pacquiao bilang tax payer upang maputol na ang paniniwala na ang mayaman at makapangyarihan ay kayang takasan ang pagbabayad ng tamang buwis at kung sa tingin umano nito ay hindi patas ang pagtingin sa kanya ng BIR ay dapat pa rin siyang dumaan sa tamang proseso at tamang channel.

Giit din ni Palatino na sa halip na dumaan sa Pangulo upang sibakin si Lozares ay dapat pinaghandaan nito ang “TKO” evidence at kumunsulta sa mga eksperto sa batas pagdating sa nasabing usapin upang maresolba ang kanyang problema tulad ng mga ordinaryong tao.

Tinawag namang ‘unjustified” ni Bello ang panawagan ni Pacquiao sa pangulo na makialam sa kanyang kaso at sundin na lamang kung ano kahilingan ng BIR dahil kung nagsasabi naman siya ng totoo ay wala naman siyang dapat na ipangamba.

Pinanindigan naman ni Pacquiao na hindi siya binigyan ng sapat na panahon ng BIR upang tumugon sa kanyang subpoena noong nasa kalagitnaan ng laban niya kay Juam Manuel Marquez sa Amerika.

Matatandaan na inakusahan ng pound for pound king si Lazares ng harassment dahil sa tax suit na isinampa sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply