‘Pacmom’ pinadalhan din ng sulat ng BIR

MAGING ang nanay ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao na si Mommy Dionesia ay nakatanggap din ng sulat mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ani Mommy D, ipapakita pa niya ang naturang sulat sa kanyang sekretarya o kaya sa anak na si Manny dahil may nakasaad doon na kailangan niyang magbayad sa ahensiya ng P200,000.

Dagdag ni Mommy D, kung sakaling tama ang kanyang pagkakaintindi sa nilalaman ng sulat ay igigiit sa BIR na wala naman siyang kinikita kaya bakit siya magbabayad.

Matatandaang may pelikulang nilabasan si Mommy D nitong nakaraang taon lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply