Pacquiao hindi pa magreretiro ngayong taon

TINIYAK ni Sarangani Congressman Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang mga fans na hindi pa siya magreretiro sa boksing ngayong taon.

Iginiit ni Pacman, na patuloy pa rin siyang lalaban sa lona ngunit hindi na aniya kagaya ng dati na sobrang aktibo sa mga boxing activity.

Ipinalinawag ng Pambansang Kamao na magdadahan-dahan muna siya upang bigyang oras ang kanyang panibagong tungkulin bilang Bible Ambassador.

Kasabay nito, pinawi naman ni Pacman ang pangamba ng iba na baka nawala na ang kanyang “killer instinct” habang papalapit ang laban niya kay Timothy Bradley

Ani Pacquiao, seseryosohin niya ang kanyang paghahanda sa laban nila ni Bradley dahil isa itong malakas na boksingero.

Ayon kay Manny, ang araw-araw na pagbabasa niya ng Bibliya ang nagpabago sa kanya.

Buo ang determinasyon ni Manny na magpatuloy sa pagiging inspirasyon ng lahat hindi lang sa larangan ng boksing, kundi sa pagpapalaganap din ng kabutihan ng Diyos sa buhay ng bawat tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply