Pacquiao kinasuhan ng BIR

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region-12 ng kasong paglabag sa Section 266 o “failure to obey summon” ng National Internatal Revenue Code si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Ang kaso ay nag-ugat sa kabiguan ni Pacquiao na magpakita sa BIR at isumite ang mga dokumentong hinihingi sa kanya.

Batay sa subpoena duces tecum (na may petsang Enero 24, 2012), inaatasan ng BIR si Pacquiao isumite sa regional office ang mga dokumento at tax records niya noong 2010 bilang may-ari ng Pacquiao Group of Companies Inc.

Kabilang sa mga ipinasusumite ng BIR sa kongresista ay ang 33 kopya ng dokumento at tax records, gayundin ang 29 na kopya ng contract of endorsement, noong Pebrero 7, 2012.

Ayon sa kampo ni Pacquiao, hindi umano nila natanggap ang opisyal na kopya ng reklamo ng BIR kaya tumanggi muna silang magbigay ng pahayag.

Nabatid pa sa kampo ng mambabatas, na sa pangunguna ni Atty. Rommel Agan, ang mga nasabing dokumentong hinihingi ng BIR ay naisumite na noong huling linggo ng Pebrero.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply