Pacquiao makukulong ng dalawang taon

POSIBLENG makulong ng dalawang taon si Pambansang Kamao Manny Pacquiao kapag napatunayang guilty sa kabiguang makapagsumite ng mga dokumentong hinihingi sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Matatandaang kinasuhan ng contempt si Pacquiao ng BIR dahil sa hindi pagsunod sa utos na dalhin sa ahensiya ang mga kailangang dokumento sa kanyang mga pag-aaring kompanya.

Dahil sa isyu, lumabas naman ang balitang ang naging hakbang ng BIR ay dahil sa pinag-iinitan lang siya ng administrasyon na itinanggi naman agad ng Malakanyang.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi namumulitika si BIR Commissioner Kim Henares kaya walang ibang motibo sa contempt charge laban kay Pacman at hindi aniya BIR main office ang naghain ng reklamo kundi ang regional office sa Mindanao.

Nilinaw din ni Lacierda na hindi naman tax evasion ang kaso ni Pacquiao kaya hindi dapat isiping ginigipit ito ng gobyerno.

Si Pacquiao ay kilalang malapit sa dating Pangulong Gloria Arroyo at mahigpit na tumututol sa RH Bill na isinusulong ng administrasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply