Pacquiao, Mayweather ipakukulong ni Tyson

KUNG si dating world heavyweight king Mike Tyson ang masusunod ay ipakukulong niya sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. dahil sa pagtangging labanan ang isa’t isa.

Ayon kay Tyson, kung siya lamang ang pangulo ng Estados Unidos ay bibigyan niya ng leksiyon ang dalawa.

“Listen if I was president I would throw them in jail if they didn’t fight. I’d have them arrested. You can’t do that but that’s what I would try to do. I’d be like, ‘These guys need to get locked up and find a new profession until they get their heads clear,’ ” pahayag ni Tyson.

Diin pa ni Tyson, kung siya ang naging punong ehekutibo ng kanilang bansa ay ii-impeach niya ang kanyang sarili.

“If I was president of the United States I would have to impeach myself,” aniya pa.

Sina Pacquiao at Mayweather ay matagal nang nais mapanood ng mundo sa ibabaw ng ring ngunit dahil sa samu’t saring bagay na hindi napagkakasunduan ay gumuho ang negosasyon.

Ang pambansang kamao ay nahaharap sa panibagong dagok dahil sa hindi pagbabayad ng buwis habang si Mayweather naman ay nahaharap sa mga kasong kriminal kung saan pagkatapos ng laban niya kay Miguel Cotto sa Mayo 5 ay pagsisilbihan na niya ang parusang iginawad sa kanya ng hukuman.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply