Pacquiao namigay ng libreng lupa sa Sarangani

NABIYAYAAN ng libreng lote ang mga taga-Sarangani province at General Santos City makaraang akuin ni Rep. Manny Pacquiao ang titulo ng ng babahaginang pamilya.

Napag-alaman na inako ni Pacquiao ang pagbayad ng titulo sa mahigit 300 pamilya sa Malapatan, Sarangani kung saan manggagaling ang pondo sa sariling pera at nito at hindi sa Kamara para itulong sa mga mahihirap na mga pamilya.

Habang mayroong tatlong ektarya na lupa na pinaghati-hati sa kada 150 square maters sa bawat pamilya ang ipamimigay sa Maasim, Sarangani kung saan una nang nabigyan ng pound-for-pound king ng lote ang mahigit sa 100 na pamilya sa Tango, Glan, Sarangani.

Sa General Santos City, kinumpirma ni Pacquiao na mayroong bibilhin din na lupa para ipamigay naman sa mga pamilya na naaapektuhan sa pagbaha ng Silway river.

Hiling lang ni Pacman sa mga nabigyan na ‘wag ibebenta ang napasakamay nilang lote.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply