Pacquiao, Rios sa 2013

BALAK ng kampo ni Brandon Rios na sagupain si Manny Pacquiao sa susunod na taon dahil sinasabing hindi na interesado ang pambansang kamao na makaharap muli si Juan Manuel Marquez.

Isa sa mga pinagpipilian niya rin ay sina Sergio Martinez, Floyd Mayweather at Julio Cesar Chavez Jr. na gusto rin ni promoter Lou DiBella.

Lalaban sana si Rios kay Yuriorkis Gamboa ngayong Abril 14 ngunit umatras ang kalaban.

Dahil sa pangyayari ay ihahanay na lamang ang laban niya kay Richard Abril sa Juan Manuel Marquez vs. Sergei Fedchenko.

Inaasahang magbabalik ng ring muli si Marquez sa Hunyo para ibandera ang PPV event ng Top Rank laban kay Pinoy prospect Mercito “No Mercy” Gesta kung saan co-feature si Nonito Donaire Jr.

Inaasahan naman na sa Oktubre o kaya sa Nobyembre ay maghaharap na sina Marquez at Rios.

Kung palalarin naman si Rios, siya ang magkakaroon ng pagkakataong makaharap ang pambansang kamao subalit kung siya ang malulugmok ay matutuloy ang paghaharap nina Pacquiao at Marquez sa ika-apat na pagkakataon.

Gayunman, tiyak magsusumikap si Rios na magiba si Marquez dahil tataas ang presyo niya at may tsansang makasagupa si Pacquiao lalo pa’t ito ang pinakapaborito ngayon ng Top Rank.

Balitang ayaw na rin ni Pacquiao na maka-rematch uli si Marquez dahil maaaring wala na manonood ng laban.

Maugong din na malapit nang magretiro ang tinagurian ding people’s champ matapos mapanaginipan ang Diyos na nagsabi sa kanya na dapat na siyang magsabit ng gloves.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply