Pacquiao takot mawalan ng kita

NANGANGAMBA na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na maapektuhan ng kasong tax evasion na inihain laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang kanyang mga international product endorsements.

Sinabi ni Pacquiao na isa sa mga tinitingnan ng mga kompanya ay ang imahe ng mga nag-eendorso ng kanilang mga produkto.

Ilan sa kanyang mga ini-endorso ay ang produktong Nike, Hewlett-Packard at Hennessy Liquor.

Ayon kay Atty. Franklin Gacal, isa sa mga abogado ni Pacquiao, maaaring mawalan ng milyong dolyar ang boksingerong kongresista dahil sa kasong inilatag ng BIR laban dito.

Ani Gacal, nasira ang imahe ng boxing champ dahil sa nasabing kaso.

Nabatid din kay Abrahan Espejo, isa sa mga legal counsel ng kongresista, na maaari pa umano nilang singilin ang BIR dahil sa nagawa nitong “undue inquiry” kay Pacquiao.

Pinasisibak na ni Pacquiao ang BIR director na nagsampa ng kaso laban sa kanya sa Sarangani.

Iginiit pa ng mambabatas na hindi niya pinagnanakawan ang gobyerno sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagkabigo umano ni Pacquiao na isumite ang mga hinihingi sa kanyang tax records ng BIR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply