Pag-absuwelto kay Lacson, Ver pinagtibay ng SC

PINANINDIGAN ng Supreme Court ang desisyon ng Court of Appeals (CA) noong 2003 na nag-abswelto kina Senador Panfilo Lacson at iba pa kaugnay sa naganap na pag-torture noong panahon ng Batas Militar.

Sa 24-pahinang desisyon, tinukoy ng SC Third Division sa pamamagitan ni Associate Justice Jose Mendoza na tama ang naging desisyon ng CA nang baligtarin ang findings ng Quezon City Regional Trial Court noong 1993.

Sa  desisyon ng CA, hindi na pinagbabayad sina Lacson, gayundin sina dating AFP Chief of Staff Fabian Ver, Colonels Fidel Singson, Rolando Abadilla, Gerardo Lantoria, Galileo Kintanar, Maj. Rodolfo Aguinaldo, 1Lt. Pedro Tango, at M/Sgt. Bienvenido Balaba ng danyos sa mga hinihinalang rebelde na kanilang inaresto at sinasabing tinorture noong kasagsagan ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Iginiit ng korte na napagkaitan ng procedural due process ang mga akusado nang iutos ng korte sa Quezon City na magbayad sila ng danyos dahil hindi raw sila nabigyan ng pagkakataon na mailahad ang kanilang panig.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply