Pag-amyenda sa Juvenile Justice Act pinamamadali

NAIS ng Philippine National Police (PNP) na mas mapabilis ang pag-amyenda sa R.A. 93440 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 sa Kongreso.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ipinasa na ng PNP kay Congressman Romeo Acop, vice chairman nang house committee on public order and safet, ang kanilang suhestyon na pag-aamyenda sa nasabing batas.

Sa suhestiyon ng PNP, nais na maamyendahan ang nasabing batas upang maparusahan nang nararapat ang mga menor de edad na sangkot sa iba’t ibang krimen.

Ayon kay Cruz ang patuloy na paglobo nang bilang ng mga kabataan na nadadawit sa mga krimen ang nagtulak sa kanila upang isulong na amyendahan ang batas.

Nais nila na mapababa ang edad ng kabataan na puwedeng ikulong.

Sa kasalukuyang umiiral na batas, ang mga nadadakip na menor de edad na wala pang 18 taong gulang ay hindi maaaring ipakulong at itini-turn-over lamang sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa nais mapanagot ng PNP sa batas ay ang mga batang nagnakaw, pumatay, nanggahasa at sangkot sa iligal na droga sa kadahilan na may-isip na ang mga ito para malaman ang tama sa mali

Bunsod nito, nakaantabay lamang ang PNP sa desisyon ng Kongreso sa pagbabago ng Juvenile Justice and Welfare Act para mapanatili ang moralidad ng sambayanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply