Pag-aresto sa abogado ni Abalos ibinasura ng CA

NAKAPUNTOS ang abogado ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa Court of Appeals (CA) nang ibasura ang kanyang warrant of arrest na inilabas ni Judge Jesus Mupas ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112, hinggil sa alegasyon ng extortion case laban sa hukom.

Pinagbigyan ng 12th Division ng CA ang petition for certiorari and prohibition ni Atty. Brigido Dulay nang kuwestyunin ang kautusan ni Mupas na ipaaresto siya dahil sa direct contempt dahil hindi naman nakaaapekto sa takbo ng katarungan ang ginawa nito.

Bukod pa rito, nabura na rin ayon sa CA ang nasabing usapin bunsod ng kautusan ni Mupas noong Enero 12, 2012 na nagsuspinde ng pagpapatupad ng order noong Disyembre 22, 2011.

Una nang hiniling ni Abalos na mag-inhibit si Mupas sa paghawak sa kanyang kasong electoral sabotage dahil sa panghihingi ng hukom ng P100 million kapalit ng paborableng hatol sa kanyang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply