Pag-subpoena kay Malou Mangahas ng PCIJ tinutulan

TINUTULAN ng proseksuyon ang hiling ng depensa na i-subpoena si Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) executive director Malou Mangahas, para dalhin ang statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) ng ilang government officials sa impeachment trial.

Sinabi ni lead prosecutor at Iloilo 5th District Rep. Neil Tupas Jr., na irrelevant ang pagsubpina mga miyembro ng media na una nang kumuha ng kopya at video ng mga SALN na kanilang ginamit.

Nais kasi ng depensa ni Chief Justice Renato Corona na iprisinta ang SALN ng mga opisyal ng pamahalaan upang palabasin na marami ang hindi nagdedeklara ng acquisition cost at market value sa kanilang SALN.

Umaasa ang proseksuyon na pagbibigyan ng impeachment court ang kanilang inihaing oposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply