PAGASA tuluyang binitiwan ni Usec. Yumul

NABIGLA ang buong opisina ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service (PAGASA) matapos nagbitiw sa kanyang pwesto si officer-in-charge at Usec. Graciano Yumul.

Ayon kay Science and Technology (DOST) Spokesperson Mon Liboro, Marso 12 pa (Lunes) nag-resign si Yumul ngunit hindi nila ito muna ipinahayag.

Tinanggap umano niya ang immediate resignation ni Yumul dahil nais nitong i-avail ang kanyang optional retirement.

Nilinaw niyang walang isyu ng alitan o politika sa pagbibitiw ni Yumul.

Nagsilbi si Yumul sa DOST ng siyam na taon.

Papalit sa binakanteng pwesto ni Yumul bilang officer-in-charge si Dr. Annie Guevarra na siya ring executive director ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology ng ahensya.

Si Yumul ang pumalit kay dating PAGASA-DOST chief Prisco Nilo matapos sibakin sa puwesto ni Pres. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III noong Agosto 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply