Pagbabantay ng DOTC sa mga biyahero triple na

TRIPLE na ngayon ang pagbabantay na ginagawa ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa mga bibiyahe palabas at papasok ng Maynila para sa paggunita ng Mahal na Araw sa susunod na linggo.

Sa Balitasan sa Serye ay sinabi ng tagapagsalita ng DOTC na si Atty. Nick Conti, na inaaasahan nila na simula pa lamang sa Linggo ng Palaspas sa (Linggo, Abril 1) ay dadagsa na ang mga tao sa mga terminal ng bus, pantalan at paliparan.

Upang hindi aniya mahirapan ang mga bibiyahe ngayong Holy Week ay maaaring buksan ang kanilang website na ligtasbyahe.org. Dito makikita ng mga biyahero ang kompanya ng eroplano, bus at barko, maging ang oras, petsa, at tagal ng biyahe.

Bukod dito, nagpaalala rin si Conti sa mga pamunuan ng bus terminal na igalang at laging ipatupad ang 20 porsiyentong diskuwento sa mga senior citizen maging sa mga estudyante.

Iginiit din ni Conti na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng mga malalaswang panoorin sa mga bus.

Bawal rin aniya ang agdadala ng mga matatalim na bagay, flammable objects, droga, explosive devices at mga baril sa bus, eroplano at barko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply