Pagbago sa size requirements ng billboards aprub sa MMDA

PAYAG ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baguhin ang size requirements para sa mga billboard sa ilalim ng bagong guidelines matapos mapakinggan ang panig ng mga outdoor advertiser.

Ayon kay MMDA Planning Officer Rey Lunas, ang pag-amiyenda sa size requirements ay isa sa mga isyung tinitignan ng ahensya matapos sabihin ng outdoor advertising industry na ang 80-square meter size ng billboards na nasa bagong guidelines ay lubhang napakaliit.

“Mababago pa namin ang size requirements base sa aming pakikipag-usap sa mga advertisers (outdoor advertisers). Maaaring pumayag kami na doblehin ang laki from the maximum 80 square meters as called for under the guidelines” ani Lunas, na siya ring namumuno sa MMDA Task Force on Billboard Clearance.

Sinabi naman ni Jose Vale, chariman ng Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP), na ang uniform size standard (na 20 by 40 feet or 80-100 square meters) ng MMDA sa ilalim ng bagong panuntunan ay maliit para sa advertising.

At dahil maliit aniya ang uniform size, posibleng bumaling ang mga magpapa-advertise sa ibang uri ng media at maraming shop ang magsasara kung mangyayari ito.

Ang ideal size umano para sa billboard ay 40 by 60 feet o 225 square meters para maging epektibo sa mga tao.

Ito aniya ang napagkasunduan ng OAAP.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply