Pagbaril sa kelot kuha sa CCTV

KUHANG kuha sa isang CCTV ang naganap na pamamaril sa 25-anyos na lalaki ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo sa Pasay City.

Nabatid na binaril si Carlo Angelo Sepe alyas “Kano” ng mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Kita mula sa video na nakikipag-usap ang biktima sa mga suspek bago ito nagtago sa may jeep kung saan siya pinagbabaril.

Nakuha namang sabihin ng biktima ang pangalan ng mga bumaril sa kanya bago ito nawalan ng malay.

Sumasailalim na rin sa maselang operasyon ang biktima para alisin ang mga tama ng bala sa katawan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply