Pagbasa ng demanda kay Abalos naudlot

NAUDLOT ang nakatakda sanang pagbasa ng demanda laban kina dating Commission on Election (Comelec) Chairman Benjamin Abalos, Sr. at sa kapwa akusadong si dating South Cotabato provincial election supervisor Atty. Lilian Radam kaninang umaga makaraang magpasya ang Pasay City Regional Trial Court (RTC)  na resolbahin muna ang mga nakahaing petisyon ng depensa.

Itinakda sa Miyerkules ni Pasay RTC Judge Eugenio Dela Cruz ng Branch 117 ang paglalabas ng resolusyon sa  inihaing motion to quash o pagbasura sa kaso ng kampo ni Abalos kaugnay sa kasong electoral sabotage na isinampa ng Comelec.

Ipinaliwanag ni Judge Dela Cruz na kinakailangan munang maresolba ang naturang mosyon dahil sa oras na katigan ito ng korte, mawawalang saysay na ang iba pang hirit ni Atty. Brigido Dulay, abogado ni Abalos, kabilang ang hiling na makapaghain ng piyansa ang kanyang kliyente, pati na ang isyu kung may kapangyarihan ang Pasay RTC na duminig sa naturang usapin.

Kanina ay hindi rin natuloy ang pagdinig sa inihain pang mosyon ni Abalos na humihiling ng paliwanag kung bakit dapat manatili si Radam sa Witness Protection Program (WPP) o “ show cause order” gayung may nakabimbing warrant of arrest laban sa kanya.

Sinabi ni Atty. Dulay na walang nakasaad sa batas na pinapahintulutan ang “provisional custody” ng WPP sa isang akusadong nahaharap sa kaso at may inilabas ng warrant of arrest tulad ng ginawa kay Radam.

Dapat aniyang isuko muna sa korte si Radam at hintaying maglabas ng utos o commitment order ng hukom upang malaman kung saan siya dapat na ipiit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply