Pagbili ng bomb proof presidential car tuloy

TULOY ang pagbili ng makabagong bullet at bomb proof presidential car para kay Pangulong Benigno Aquino III kahit may maipasa na resolusyon sa Kongreso o wala.

Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, huhugutin sa contingency fund ni Pangulong Aquino ang ipambibili ng updated bullet at bomb proof official car nito.

“Now, if you’re going to ask again, if it’s going to be—where would the fund be coming from, the money would be coming from—the President has a contingency fund and so part of this contingency fund is for the breakdowns of his vehicles,” anito.

Ikinuwento ni Sec. Lacierda na ang official car ni Pangulong Aquino ay Mercedes Benz S-Guard na binili pa noong 2007.

Ito rin ang sasakyan na sinalanta ng bagyong Ondoy noong 2009.

Iyon aniya ang dahilan kung bakit maluwag nilang tinatanggap ang House resolution na nagre-rekomenda na makabili ng sasakyan ang Pangulong Aquino.

Hindi naman sigurado si Sec. Lacierda kung nagsagawa pa ng konsultasyon para sa pagbili ng official car ng Punong Ehekutibo dahil ang malinaw sa ngayon ay mayroong resolusyon mula sa Kongreso na tumutulak na hayaang makabili ng presidential car ang Chief Executive.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply