Pagbuhay sa bitay ibinasura ng Malakanyang

AGAD na inayawan ng Malakanyang ang panukala ni PNP Chief Nicanor Bartolome na pagbalik sa death penalty sa bansa dahil sa lumalalang kriminalidad.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, simula pa noong kampanya ay sinabi na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ayaw niya sa bitay at paninindigan ito hanggang sa huli.

Bawi naman ng Malakanyang na kontento pa si Pangulong Aquino sa liderato ng PNP at tiwala itong makakaya ng pulisya na ibigay sa mamamayan ang kapayapaan na nais ng lahat.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply