Pagbuwag sa private armies aprub sa Kamara

SUPORTADO ng ilang kongresista ang kautusan ni Pangulong Aquino na buwagin ang private armies sa hotspot areas sa buong bansa, kabilang na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Binigyang diin ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, na walang puwang ang private armies sa modernong sosyedad.

“We cannot afford warlords and their hired goons to continue trampling upon the lives of the Filipino people,” sinabi ni Tugna.

Giit pa ng kongresista na ang ilang private armies ay ginagamit ng ilang personalidad para mapalakas ang kanilang political power.

Sa kabila na mahirap na trabaho ang pagbuwag sa ganitong uri ng grupo ay malalabanan ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng PNP, local government units, at ng sambayanang Pilipino.

Hindi aniya maiwasan na laging napaghihinalaan ang resulta ng eleksyon dahil sa private armies kaya dapat na mabuwag na ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply