Pagdami ng teenager na yosi kadiri ikinabahala

IKINABABAHALA ngayon ng National Youth Commission (NYC) ang patuloy na pagdami ng mga kataan naninigarilyo sa bansa.

Nabantid na nasa 2,250,000 na kabataan na may edad 13 hanggang 15 ang naninigarilyo noong 2011 kumpara sa naitala noong 2003 na 1,070,000 lamang. Tumaas ito ng 40%.

Ayon sa ulat, dalawa sa bawat tatlong teenager ang naninigarilyo.

Dahil dito, iginigiit ng komisyon na itaas na ang buwis sa tabako upang mapigilan ang paninigarilyo ng kabataan.

Hiniling na rin ng grupo na maipasa na ang House Bill 5727 o restructuring ng excise tax sa alcohol at tobacco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply