Paghahabol ni Jamby sa yaman ng tiyahin ibinasura ng CA

IBINASURA na ng Court of Appeals ang petisyon kaugnay sa paghahabol ni dating Senator Maria Ana Consuelo “Jamby” Madrigal sa naiwang kayamanan ng kanyang yumaong tiyahin na si Consuelo “Chito” Madrigal Collantes.

Sa 18-pahinang desisyon na sinulat ni Associate Justice Socorro Inting ng CA 11th division, ibinasura ang petisyon ng dating senadora na kumukuwestiyon sa last will and testament ng kanyang tiyahin na namatay noong Marso 4, 2008, sa edad 87, dahil hindi kasama ang kanyang pangalan sa mga tagapagmana.

Sa halip, sinabi ng CA na walang naganap na pag-abuso sa tungkulin si Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 143 Judge Zenaida Galapate-Laguilles na unang nagpawalang-bisa sa apela ni dating senadora Jamby Madrigal.

Ang bahay at lupa sa Ayala Alabang at isa pang property sa South Forbes Park house ay kabilang sa mga hinahabol ng dating senadora.

Sa last will and testament ng yumaong si Doña Chito, nakasaad na si dating Foreign Minister Manuel Collantes ang magmamana ng mga ari-arian ni Consuelo o Doña Chito.

Nakasaad rin sa rekord na dalawang taon bago siya sumakabilang buhay ay naipamahagi na ni Doña Chito ang kanyang kayamayanan.

“…(Madrigal) failed to present any persuasive reason which could convince us as well as the lower court to relax the rules”, ayon sa bahagi ng desisyon ng CA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply