Pagharang kay Taylor Kitsch itinanggi ng BOC

ITINANGGI ng Bureau of Customs (BOC) ang alegasyon ng Hollywood actor na si Taylor Kitsch na hinarang umano siya ng mga Customs officer sa airport ng Pilipinas at hiningan pa siya ng cellphone para lang makapasok sa bansa.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon sa kanyang blog, walang basehan ang mga naging alegasyon ni Kitsch.

Ayon kay Biazon, base sa rekord at inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI), walang pumasok na Taylor Wade Kitsch sa bansa at wala rin aniya itong arrival record sa BOC.

Giit pa ni Biazon, ang pelikulang “Savages” ay kasalukuyang kinukunan sa Indonesia at hindi sa Pilipinas, kaya’t maaari umanong nagkaroon ng “mix-up” sa pahayag ni Kitsch.
Matatandaang nagbahagi si Kitsch sa isang sikat na talkshow sa Amerika na “Late Show With David Letterman”, sa kanyang naging karanasan sa pagbisita sa Pilipinas para sa shooting ng pelikulang “Savages” ni Oliver Stone.

Ayon kay Kitsch, pinatawag siya ng ilang tauhan ng airport at sinabihang hindi siya maaaring makapasok sa bansa dahil kulang na ang pahina ng kanyang passport at kinakailangan niyang bumalik muna ng Japan.

Dagdag pa ni Kitsch, ginamit niya ang kanyang iPhone, na nauna nang hiningi umano ng kanyang kausap, upang patunayan na siya nga ay isang Hollywood actor. Sa pamamagitan nito ipinakita ni Kitsch ang trailer ng pinagbidahan niyang pelikula na “John Carter.”

Dahil dito, nanawagan din si Biazon sa aktor na itama ang maling alegasyon para sa integridad ng ahensiya at ng buong bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply