Paghati sa Camarines Sur aprubado na

APRUBADO na ang panukalang batas na naglalayong hatiin ang Camarines Sur at itatag ang province of Nueva Camarines.

Sa pagdinig kanina ng Senate Committee on Local Government na pinangungunahan ni senador Ferdinand Marcos Jr., wala na umanong magiging sagabal sa implementasyon sa house bill no. 4820 na isinusulong ng mga kongresista na maghahati sa Camarines Sur.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Arnulfo Fuentebella, apat na kongresista, 23 alkalde, 195 konsehal ang sumusuporta sa nasabing panukala, gayundin ang mayorya ng mga opisyal ng barangay.

Ang pagdinig ng komite ay alinsunod na rin sa House Bill no. 4820 na lumilikha ng Nueva Camarines.

Ayon sa kongresista, nakapag-comply na rin sila sa kinakailangang requirements sa ilalim ng local government code gayundin sa itinatadhana ng konstitusyon para sa paglikha ng panibagong lalawigan.

“On income, land area as well as population. We have supplied with all of these, with income of 1,100%. On population 300% or 400% more than the required, “banggit ng kongresista.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply