Pagkain na mayaman sa fiber kahiligan – DoH

KASABAY nang pag-obserba sa Colorectal Cancer Awareness Month na may temang “Kapit-Bisig Sa Paglaban Sa Colorectal Cancer,” pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ugaling kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas at gulay upang makaiwas sa sakit na colorectal cancer.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, dapat na maging maingat ang publiko laban sa colorectal cancer na pang-apat na ngayon sa pangunahing cancer sa bansa.

Nabatid na ilan sa mga personalidad na kilalang nakipaglaban sa naturang sakit ay sina dating Pangulong Corazon Aquino, Blessed Pope John Paul II, at dating US President Ronald Reagan.

Sinabi ng Kalihim na bukod sa pagkain ng fiber-rich foods, dapat ring regular na mag-ehersisyo at magkaroon ng moderasyon sa pagkain ng red meat.

Iniulat ng DOH na sa buong mundo, mayroon nang 1.23 milyong bagong kaso ng colorectal cancer ang natutukoy kada taon at mahigit 50 porsiyento nito ay maaaring ma-develop sa advanced disease at tinatayang 608,000 death ang naitatala taun-taon.

Sa Pilipinas, sinabi ni Ona na ang naturang cancer ay nakaapekto na sa may 5,787 Pinoy noong taong 2010 lamang.

Dagdag pa niya, ang sakit ay most common sa mga developing countries at kalimitang tinatamaan nito ay mga taong nagkakaedad ng 50-anyos pataas.

Anang Kalihim, ilan sa risk factors ng sakit ay maaaring makontrol habang ang iba ay hindi maaaring makontrol.

Kabilang sa mga mga uncontrollable risk factors ay edad, family history ng colorectal cancer, ovarian cancer o breast cancer habang ang controllable risk factors o yaong maaaring itama ay ang diet, partikular ang mga mahihilig sa red meat o processed foods, obesity, sedentary lifestyle, paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak.

Sintomas

Kabilang sa sintomas ng sakit ay constipation, o intermittent constipation at diarrhea, hirap na pagdumi, o pabagu-bagong bowel habit, dugo sa dumi, pagbaba ng timbang, lagnat, kawalan ng gana sa pagkain, labis na pagkapagod, pagsusuka at pagkahilo, jaundice, abdominal discomfort at gas pains o cramps.

Maaari ring magkaroon ng rectal bleeding o anemia sa mga taong mahigit nang 50-taong gulang.

Early detection

Iginiit ni Ona na mas mataas ang tiyansa ng curability at survival ng pasyente kung maagang matutukoy ang sakit. Maaaring gawin ang early detection sa pamamagitan ng digital rectal examination, fecal occult blood test, colonoscopy, at proctosigmoidoscopy at konsultasyon sa anumang pagbabago sa bowel habits.

Pag-iwas

Nagkakasundo naman ang mga health experts na pangunahing paraan upang makaiwas sa sakit ay pagkakaroon ng low-fat diet na may maraming fiber.

Maiiwasan din ang delikdaong sakit kung kakain ng hanggang limang serving ng prutas at gulay kada araw, regular na mag-eehersisyo ng hanggang kalahating oras araw-araw at pag-iwas sa paninigarilyo. Ayon sa American Cancer Society ang paninigarilyp ay nakapagpapataas ng panganib na makapag-develop ng colorectal cancer.

Inirerekomenda naman ni Ona sa mga taong nasa 50-anyos pataas ang pagkakaroon ng colon cancer screening lalo na’t mahigit 90% ng colon cancer patients ay nasa ganitong edad na, at may average age of diagnosis na 64.

“Health lifestyles and early detection are important keys in fighting cancer,” giit pa ni Ona.


Leave a Reply

*
Yun ba itsura ni Bob Arum dapat pagkatiwalaan..Obl...
kadalasan hawak ng mga pulis yan snatcher kaya nga...
Masyadong mayabang talaga itong ABS CBN at ang mga...
Wag mabahala e wala ngang vaccine para dyan???...
aaay! hindi siya ang sumulat ng yakap, si george c...
NANGANGAMOY GIMIK YANG BENJAMIN ALVES-JENNILYN MER...
ANO BA YAN BEVERLY SALVIEJO, PATI BA NAMAN BAHO NG...
WHY CALLING ME BOBO? THERE ARE OTHER NEWS SITE LIK...
nyahahaha ay Tama si matuk hahahaha kita mo nang...
nyahahahahah kawawa ba ang kakaunti ang UTANG at m...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.