Pagkamatay ni Whitney Houston aksidente– report

NAGLABASAN ang ilang ulat sa internet na dedesisyunan nang aksidente ang sanhi ng kamatayan ni Whitney Houston.

Wala raw senyales ng trauma o kaya naman ay struggle na indikasyon na pinaslang ang mahusay na singer.

Kahit na napaulat din na bago mamatay ang pop icon ay nababanggit nito na nais niyang makita si Jesus ay hindi pa rin sapat na ebidensiya ito para sabihin na nag-suicide nga ang beteranang singer.

“The singer’s family always believed her death was accidental and was not a result of deliberate action taken by Houston—or anyone else.” ayon sa E! news.

Wala rin umanong nakitang kahina-hinala nang siyasatin ang bangkay ng singer.

Gaynman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply