Pagpapapako sa krus itigil na– CBCP

DAPAT nang itigil ang pagpapapako sa krus at pagpapahirap o paghampas sa sarili sa pagsasagawa ng Senakulo tuwing Semana Santa.

Ito ang iminungkahi ngayon nina Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Doctrine of the Faith at Pampanga Archbishop Paciano Aniceto dahil na rin na taon-taong nakaugalian ng mga mananampalataya sa Panginoon.

Anila, hindi na kailangang ulitin ang ginawang pasakit ni Hesus dahil nagawa na niya iyon para tubusin ang kasalanan ng tao.

Sinabi ni Bishop Bacani na sapat na ang manalangin, magnilay at magbalik-loob sa panginoon sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa.

Binigyan diin naman ni Archbishop Aniceto na sagrado ang katawan ng tao at hindi ito dapat na abusuhin bagkus ay dapat itong pahalagahan.

Sinabi rin Archbishop Aniceto na puwede nating ialay ang sarili sa Panginoon sa pagmamagitan ng pagninilay, pagdarasal, paggawa ng mabuti sa kapwa at hindi sa pamamagitan ng pagpapako sa krus at pagpapahirap sa ating katawan.

Aniya pa ang pagpapako at pagpapasakit ng mga tao tuwing Kuwaresma ay nagiging commercial o naging negosyo na dahil naging tourist attraction ito.

Binigyan diin naman ni Boac Marinduque Bishop Rey Evangelista na hindi dapat ginagawa ang pagpapako sa krus at pagpapahirap sa sarili dahil ang mas mahalaga ay ang pagbabalik-loob sa Diyos at maging concern sa kapwa tao.

“Ipakita natin ang pagmamahal sa kapwa, ipakita natin sa gawa ang pagmamalasakit sa bawat isa at hindi sa pamamagitan ng pagpapako sa krus”.paglilinaw ng Obispo sa Radio Veritas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply