Pagpapatalsik kay PNoy kinumpirma ni Trillanes

KINUMPIRMA ni Senador Antonio Trillanes na may nagtatangkang hikayatin ang mga sundalo na lumahok sa planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Bengino “PNoy” Aquino III.

Ayon kay Trillanes, nagsusumbong sa kanila ang mga militar na nilapitan ng mga nagnanais ikudeta si Pangulong Aquino.

“Red scare” umano ang ginagamit na isyu sa pangre-recruit sa mga sundalo na sinasabing nagiging komunista na ang administrasyong  Aquino lalo pa’t paparating sa bansa at bibigyan ng puwesto sa gobyermo si communist party founding chairman Jose Maria Sison.

Ani Trillanes, mga kilalang personalidad at notorious ang mga sangkot sa tangkang kudeta kay Pangulong Aquino.

Gayunman, tumanggi muna si Trillanes na tukuyin kung sinu-sino ang mga ito.

Naniniwala rin ang senador na hindi magtatagumpay ang mga ito dahil sa mismong mga sundalong kinausap ang nagsumbong sa kanila.

Patunay ito, anang senador na hindi kinagat o hindi pumatol ang mga sundalo sa mga nagre-recruit sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply