Pagpapatawag kay Fariñas haharangin ng prosekusyon

WALANG dahilan upang ipatawag ng impeachment court si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Ito ay matapos gumawa ng sariling House rules ang liderato ng Kamara upang hindi makadalo sa impeachment trial ang mga kongresista sakaling ipatawag ang mga ito.

Sa Ugnayan sa Batasan, inihayag ni prosecution spokesman at Marikina Rep. Miro Quimbo na walang dahilan upang igiit ng defense team ni Chief Justice Renato Corona na ipatawag si Farinas.

Ito ay kaugnay sa pag-amin ni Farinas sa impeachment court na hindi maganda at depektibo ang pagkakasulat ng articles of impeachment kaya’t hindi ito pumirma.

Sinabi ni Quimbo na wala nang dahilan upang ipatawag si Fariñas dahil sa resolba na ang isyu tungkol dito kaya’t malinaw umano na layunin lamang naman ng depensa na pahabain ang impeachment trial.

Nilinaw din ni Quimbo na mayroong proseso ang liderato ng Kamara na kailangang pagdaanan bago makadalo sa isang pagdinig bukod pa dito ang umiiral na inter parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang kapulungang ng Kongreso.

Kabilang umano rules na dapat sundin ay ang pagdetermina ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. kung meritorious o hindi ang dadaluhang pagdinig ng isang mambabatas.

Ang nasabing rules ay hindi lamang sinusunod sa Pilipinas kundi sa Estados Unidos na rin na naglalayo lamang na protektahan ang institusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply