Pagresbak ni Almendras pakikialaman ng M’cañang

PAKIKIALAMAN ng Malakanyang ang resbak ni Energy Secretary Jose Rene Almendras kontra sa local government units (LGUs) sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakarating na sa kanilang kaalaman ang sinabi ng Kalihim kaya nagdesisyon silang pagtuunan ito ng pansin.

Nauna nang sinabi ng Kalihim na 2010 pa inungkat ang posibleng power shortage sa Mindanao at ipinanukala ang pagtatayo ng mga non-hydropower plant pero hinaharang ng local officials.

Aniya, magkakaroon ng energy summit sa Davao sa Abril kaya tamang-tama ito para makausap ni DILG Sec. Jesse Robredo ang LGUs.

Ito na aniya ang tamang pagkakataon ng stakeholders na magkaroon ng masusing pag-uusap para makabuo ng komprehensibong solusyon.

Matatandaang, pinalagan ni Sec. Almendras ang mga batikos na ipinupukol sa kanya na wala siyang ginagawa para masolusyunan ang nangyayaring power crisis sa Mindanao.

Binigyang diin nito na makikita sa kanilang records na noon pa man ay sinasabi na niyang may malaking problema sa Mindanao at sa katunayan lahat ng mga paraan ay ginagawa ng ahensiya para maayos ang krisis.

Sa katunayan nga aniya ay pupunta siya sa Mindanao sa susunod na linggo kasama ang buong DoE team para ipakita ang lahat ng hawak nilang mga data na wala silang itinatago at hindi tinatakasan ang problema.

Tinuran pa nito na ang solusyon sa nararanasang power shortage sa Mindanao ay paandarin na ang dalawang barge na Mindanao partikular sa Iligan diesel power plant.

Samantala, nakiusap naman si Almendras sa local officials sa Mindanao na huwag nang harangin ang power plant projects.

Bukod pa sa nakiusap din ito na sana’y huwag nang harangin o ipitin ang nasabing mga proyekto at bigyan sila ng pagkakataon na mag-operate ng isang planta.

Umapela rin ang opisyal na magkaisa at magtulungan para sa ikakaunlad ng rehiyon ng Mindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply