Pagsabit ng Pasig PNP sa illegal drug trade tututukan

PANGUNGUNAHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang masusing imbestigasyon kaugnay sa pagkakasangkot ng Pasig City police sa illegal drug trade sa Pasig City kung saan nabaril at nabugbog ang Daily Tribune reporter na si Fernan Angeles.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mismong si DILG Sec. Jesse Robredo ang mangunguna sa gagawing imbestigasyon.

Matatandaang sa mga artikulo ni Angeles sa pahayagan, binabatikos nito ang ilang miyembro ng Pasig City police sa pagkakaugnay sa sindikato ng droga.

“By the way—I keep on forgetting this—I also mentioned to Secretary Robredo the allegations of Fernan Angeles on the Pasig City police and he informed me that they will look into the allegations on the possible involvement of Pasig police in the drug trade in Pasig. So we will assure you that all investigations will be—number one, focus will be on the alleged perpetrators on the life of Fernan. Number two, there will also be an investigation in the involvement of Pasig police on the drug trade,” anito.

Ipinag-utos din ni Pangulong Benigno Aquino III sa  PNP na huwag ilihis ang isyu at dapat maging sentro rito ang pagtukoy sa mastermind ng pamamaril.

Matatandaan na nauna nang pinanindigan ng Pasig City Police na ang Tribune reporter na si Angeles ay may warrant of arrest hinggil sa illegal drug possession.

Tinuran ni Lacierda na dapat unahin ang pagtugis sa mga suspek bago pag-usapan ang warrant of arrest ni Angeles.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply