Pagsalang ni Corona sa witness stand, mapanganib

AMINADO si Senadora Miriam Defensor-Santiago na mapanganib para sa kampo ng depensa na isalang sa witness stand si Supreme Court chief Justice Renato Corona para ipagtanggol ang kanyang sarili.

Ayon sa senadora, posible umanong ipahiya at asarin si Corona sa cross examination at tanungin ng mga leading, irrelevant at immaterial na mga pagtatanong ng senator-judges lalo’t hindi makakapag-object ang depensa.

Binigyang-diin ni Santiago na may iba naman umanong paraan para maipagtanggol ng punong mahistrado ang kanyang sarili ng hindi tatayo sa witness stand, sa pamamagitan umano ng pagharap ng ibang testigo at ebidensya.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Senate President Juan Ponce-Enrile na importanteng ang punong mahistrado umano ang humarap sa paglilitis para maliwagan ang lahat ng isyu na inaakusa laban sa kanya.

Tiniyak din ng impeachment court na ibibigay nila ang kanilang paggalang kay Corona sa oras na humarap ito sa paglilitis. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply