Pagsasama nina Marian at Coco sa pelikula tuloy na!

MUKHANG talagang matutuloy na ang nilulutong pelikula na pagbibidahan nina Coco Martin at Marian Rivera.

Pormal na kasing pumirma ng movie contract si Coco para sa Regal Entertainment.

Si Direk Maryo J. de los Reyes ang nakatakdang magdirehe ng pelikula nina Coco at Marian.

Sa mga oras na ito, nag-iisip pa raw si Direk Maryo J ng konseptong babagay sa pagtatambal ng dalawa.

Samantala, maituturing na isang achievement para sa pamunuan ng Regal Films na pagsamahin sa isang pelikula ang dalawa sa malalaking bituin na mula sa magkalabang network.

Si Coco Martin ay exclusive sa ABS-CBN habang si Marian naman ay sa GMA7.

Magkatapat din ang kani-kanilang programa sa prime time slot.

Ang My Beloved (ni Marian) at Walang Hanggan (ni Coco) ay naglalaban din sa ratings!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply