Pagsiyasat sa kotse ni Esmeralda ‘di natuloy

HINDI natuloy ang pagsisiyasat sa sasakyan ni NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda.

Ito ay sa kabila ng pagbibigay pahintulot ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo na muling inspeksyunin ang sasakyan ni Esmeralda makaraan pananambang dito sa Paco, Maynila kamakailan

Sumipot naman ang abogado ng sinibak na NBI director na si Magtanggol Gatdula na si Atty Abraham Espejo, gayundin si Manila RTC sheriff Carlos Bajar na siya sanang magsasagawa ng imbestigasyon sa sasakyan ni Esmeralda.

Ang pagkaudlot sa pagsisiyasat ay makaraang pigilan ito ni Asst. Solgen Amparo Cabotaje Tang.

Nagkasundo kasi ang OSG at ang kampo ni Gatdula na huwag munang siyasatin ang sasakyan ni Esmeralda hangga’t hindi pa nareresolba ang motion for reconsideration na inihain ng kampo nila Justice Secretary Leila de Lima, na humihiling sa korte na bawiin ang ipinagkaloob na writ of amparo kay Gatdula

Ani Atty. Espejo, layon ng inspeksyon na ma-preserve ang ebidensya dahil natatakot umano sila na madagdagan pa ang kaso na posibleng isampa laban kay Gatdula bukod sa kidnapping for ransom at sa serious illegal detention na ikinaso ng Haponesang si Noriyo Ohara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply