Pagtestigo ng tatlong kongresista minaliit

MINALIIT ng mga tagapagsalita ng House prosecution team ang nakatakdang pagtestigo ng tatlong kongresista  para sa panig ng depensa.

Ipatawag man ang tatlong kongresista sa Senate impeachment trial ay wala nang epekto sa impeachment complaint dahil tapos nang usapin ito.

Ito ang naging pahayag ni Marikina Rep. Miro Quimbo sa posibleng pagtestigo nina Rep. 2nd district-Batangas  Rep. Hermilando  Mandanas, lone district ng Navotas Rep. Tobias Tiango at 7th district Jesus Crispin Remulla pabor para sa depensa.

Ayon naman House spokesperson Lorenzo “Erin” Tañada, malaya silang tumestigo kung gugustuhin nila subalit ang usaping pagiging depektibo ang impeachment complaint ay tapos nang usapin.

“Tinanggap na po ng Senado ito, kaya tapos na po, it is an issue that has already been settled, they tried raising it at the start of the hearing at pinag-desiyunan din ng impeachment tribunal na walang basehan yung notice for preliminary hearing po nila. Kaya sa tingin ko ay nagpapatagal lang sa proseso yung pagtawag po sa aming tatlong kasamahan. Pero karapatan po nila kung gusto nilang gawin iyon.” pahayag ni Tañada.

Kung pagbabawalan ang mga kongresista aniya sa kanilang pagtestigo ay lalabas lamang silang may pinoprotektahan at hindi naman sila kabilang sa complainant ng impeachment.

Nilinaw din ni Quimbo na malayang magpakita kahit sino kung boluntaryo ang pagtestigo ng mga kongresista, mabigat na usapin na kung isubpoena sila o i-compel para sa pagtestigo sa Senate impeachment court.

Ang pinakadahilan lamang para maimbitahan ang tatlong kongresista ay hindi patungkol sa depensa ni Chief Justice Renato Corona kundi sa issue ng usapin lamang sa pagiging depektibo ng nasabing reklamo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply