Pagtestigo ni Ana Basa vs Corona suportado ng M’cañang

APRUB sa Malakanyang ang plano ng Prosecution panel na patestiguhin sa impeachment trial si Ana Basa laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, mas mainam ang pagtestigo ni Ana Basa, pinsan ni Critina Corona, para mabigyang linaw sa Senate Impeachment Court ang kontrobersya sa Basa-Guidote Enterprises.

Ani Valte, mahalagang malinawan kung ano ang status ng nasabing family corporation kung saan nakautang ang punong mahistrado ng P32.6 milyon na winithdraw sa Philippine Savings Bank (PSB) sa mismong araw ng pagdinig ng impeachment case.

Isiniwalat ni Ana Basa, na ginigipit umano sila ng mga Corona.

SInabi rin nito na wala silang alam sa naganap na pagwi-withdraw sa pera ng korporasyon.

Matapos ang rebelsyong ito ay nagkainteres ang prosekusyon na hulungkatin ang isyu sa naturang korporasyon.

Bukod kay Ana Basa, ayos din sa Palasyo ang balak ng prosekusyon na patestiguhin ang iba pang kamag-anak ni Cristina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply