Pagtestigo ni Cristina Corona nararapat– Palasyo

NARARAPAT lamang na tumestigo si Cristina Corona, misis ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial.

Ito ang paniniwala ng Malakanyang.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, mas mainam na mismong si Cristina Corona ang magpaliwanag dahil ang korporasyon ng kanyang pamilya ang naisasangkalan ng punong mahistrado kaugnay sa hindi pa maipaliwanag na bank accounts ng huli.

Ani Lacierda, magandang development ang pagtestigo ni Ginang Corona.

Magugunitang hinarang ng depensa noon ang hiling ng prosekusyon na ipatawag ang misis ng punong mahistrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply