Pagtestigo sa Corona trial tiniyak ni Rep. Remulla

TINIYAK ngayon ni Cavite Representative at House Deputy Speaker Jesus Crispin Remulla ang kanyang kahandaan sa pagiging testigo sa sandaling makatanggap ng subpoena mula sa Senate impeachment court kaugnay sa umano’y kawalan ng paggawad ng due process kay Chief Justice Renato Corona mula sa Kamara.

Sinabi ni Remulla, na gusto niyang makatulong para maiparating sa publiko ang umano’y katotohanan sa likod ng pagkakasampa ng articles of impeachment laban sa punong mahistrado.

Maalala na isa si Remulla sa mga kongresista na hindi lumagda sa impeachment complaint ng House prosecution panel laban kay Corona.

Maliban kay Remulla, balak din ng Defense Panel na ipatawag bilang testigo ang ilan pang mga mambabatas na pawang mga hindi lumagda sa nasabing  reklamo laban sa punong mahistrado.

Umaasa si Remulla na makahikayat ang kampo ni Corona ng ilang pang mga kongresista na lumagda sa reklamo upang maging balanse ang magkabilang  panig.

Ipinaliwanag ni Defense Panel lead counsel at dating associate justice Serafin Cuevas, na layunin ng kanilang pagpapatawag sa ilang mambabatas ay para patunayan na walang kaukulang due process na iginawad sa chief justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply