Pagtugis sa mga suspek sa money changer robbery-hold-up tututukan

BUMUO na ang Philippine National Police ng isang special investigation task group na tututok sa robbery hold-up na naganap sa isang money changer sa loob ng Robinsons Galleria sa Quezon City, kahapon (Marso 29).

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ang nasabing hakbang ay makaraang sabihin ni chief Gen. Nicanor Bartolome na nagkaroon ng procedural at operational lapses ang mga rumespondeng pulis sa insidente.

Si Quezon City Police Director C/Supt. Mario Dela Vega ang naatasang mamuno sa nasabing task group upang tugusin ang mga nakatakas na suspek.

Nakatakda ring ilabas ngayong araw ang computerized sketch ng mukha ng mga suspek.

Samantala, matapos ang naturang insidente ay pinag-aaralan na ngayon ng pamunuan ng Robinsons Galleria na huwag nang magpaupa ng espasyo sa mga money changer.

Plano rin ng pamunuan na magdagdag pa ng security guards at maghigpit pa sa pag-inspeksyon sa mga taong pumapasok sa mall.

Mag-aalas-onse ng umaga kahapon nang maganap ang robbery-hold-up kung saan nabaril at napatay ang isang security guard.

Anim katao rin ang nasugatan matapos tamaan ng shrapnel mula sa pinasabog na granada ng mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply