Pahamak ang dyinggel, ipis, basura, kasilyas at atbp.

NATUMBOK ni Jimmy Sieczka ang mga dahilan kung bakit hindi “it’s more fun in the Philippines” gaya ng sinasabi ni Mon Jimenez.

Si Mon Jimenez ang boss sa turismo ni PNoy na nagsabi ng nasabing kataga.

oOo

Sa tatlong taon niyang paninirahan sa repablik ni Juan, nadokumento ni Sieczka ang mga hindi talaga kanais-nais.

Nasa 20, Suki, ang inilista niyang dahilan kung bakit ayaw niya rito sa atin.

Kabilang sa inaayawan niya ang pagdyinggel natin kung saan-saan.

Naglipana ang mga basura at ipis kahit saan.

‘Yang kasilyas o palikuran na tinatawag na comport rum, totoo naman.

Walang tubig, walang tissue. Anong klaseng koport rum yan?

At isa sa mga pinakaaayaw niya, bawat kibot, gusto raw ni Juan, may bayad. ‘Yung oper na tulong kahit na hindi mo kailangan ay pinababayaran pala.

Yang buhol-buhol na trapik, pagalingan sa lusutan at unahan hanggang sa magbanggaan ang mga sasakyan, hindi rin nakaligtas sa bidyo ni Sieczki.

Talaga namang marami ang “onli in da Pilipins” na nakita ng reklamador na dayuhang ito.

oOo

Ang daming nagalit sa lahi ni Uncle Sam na ito.

Idineklara siyang persona non-grata sa Cebu.

Nakalimutan kasi ng puting ito na kung tunay ngang ang sama-sama ang paninirahan sa Pinas, bakit siya nagtagal dito?

Pero dahil pawang katotohanan ang pinagsasabi ng turistang ito, dapat din tayong mag-isip-isip.

Huwag nating paabutin na may makabidyu ng tumutuwad sa mga kalsada at ilog para lang dumumi at kikilawin ng mga isda at hipon iyon bago natin sila mahuli at kilawin o lutuin din.

Ah masakit ang katotohanan pero kailangan natin ang pagbabago.

‘Wag tayong magalit!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply