Pahirap na sekyu sa Makati at parak na walang plate no.

BIGYAN naman po natin ng espasyo ang ating mga mambabasa upang mailabas nila ang kanilang mga kaisipan, damdamin, nalalaman at karanasan ukol sa nagaganap sa ating bayan.

DISQUALIFIED KAY WILLIE

Comments ko lang sa Family Affair program ng WIL TIME BIG TIME Show ng TV 5. Lahat ng mga sumasali na bagets ay nadi-disqualify. Sana i-announce lang ni kapatid Willie na huwag nang sumali ang mga bagets pagkat ang larong Family Affair ay pang matatanda lang. Hindi ko na mi-miss  ang panonood sa  WIL TIME BIGTIME at yan ang aking obserbasyon. Please lang, pakiabot lang ito kay Mr. Willie Revillame. Frenzel de la Peña, ng Cabanatuan City. +63920823….

PROBLEMA SA 168

Hi! Sana mai-publish n’yo ang message ko. About lang sana sa mga Chinese sa 168 at 999 shopping mall located at Divisoria. Although kasi na pinuntahan na sila roon ng BIR, especially DOLE (labor). Marami pa rin ang ‘di sumusunod sa tamang proseso. Hindi na kasi tama yung  pakikitungo nila sa sales ladies nila. Sana mapansin ng DOLE yung message ko na ito. Thanks! Please don’t publish my full number. More power po. +63930157….

PASASALAMAT

Gandang araw po. Gusto ko lang sanang iparating ang aking pasasalamat kay Mayor Lim ng Manila at kay Col. Baltazar na head ng DPS, gayundin kay Ma’m Elnora Bodino, PSO3 OIC ng District 5 sa agarang aksyon nila sa isang buwang kalbaryo ng DPS street sweeper. Nabigyan ora mismo ng solusyon ang dating problema at mabago na sana ang maling sistema hindi lang sa District 5 kundi sa buong distrito ng Maynila. +63908265….

PASASALAMAT AT REKLAMO SA SSS

Good pm, Sir Benny. Ako po ay nagpapasalamat sa isinulat n’yo tungkol sa SSS.  Isa po akong member ng SSS. Kasi isa rin po ako sa mga biktima sa katarantaduhan ng namamahala sa SSS. Makapal po ang mukha ng mga empleyado ng SSS. Tama po kayo, akala nila sa kanila nanggagaling ang pera ng SSS. +63918733….

Ungas talaga ang nagpapalakad ng SSS. ‘Di ba niyo alam na pera ng taumbayan ang pondo riyan? Nagpapakahirap sila na maghulog, pagdating ng pensyon ang baba. Kung wala kang tamang magawa, Quiroz, mag-resign kana. Bakit ‘di mo  unahin yung mga tao na may problema? Sir Quiroz, kung gusto mong igalang ka ng mga tao, ayusin mo ang pamamalakad mo. Kawawa naman yung mga miyembro at pera ng miyembro yan at ‘di nanggaling sa bulsa mo. Kung gusto mo, gamitin mo yang pera mo. Huwag mong idamay yung pera ng mga miyembro. +63905758….

DOBLE KARA SA MULTA

Sir,  magandang umaga po sa inyo. Bakit po ba na ang ating pamahalaan ay kayang pagmultahin ang mga magtataas ng pamasahe o ayaw magbigay ng discount? Pinagmumulta kaagad kapag may sumbong. Bakit yung mga malalaking nagtitinda ng petrolyo, hindi sila pinagmumulta, sir? +63919699….

HUMIHILING NG CURFEW

Lagyan sana kami ng curfew sa aming lugar, Mr. Benny Antiporda. Ito ang kulang sa aming lugar dito sa Pila-Pila, Binangonan, Rizal laban sa mga pusher, addict at magnanakaw. Kamag-anak pa ng empleyado. Paano mapupuksa ang mga damuhong iyan? Bigyan sana ng proyekto ang mga patabaing baboy ng aming barangay. Mayor Cecilio Ynarez, sayang ang mga tax namin sa mga tutulog-tulog mong mga tauhan sa iyong nasasakupan. Pakigising po sila. +639068505625

SEKYU PAHIRAP

Sir Benny, malaking pahirap din ang mga sekyu riyan sa Ayala Center, Makati City. Nabigyan lang ng paniket wala nang ginawa kundi tiketan ang mga kawawang taxi driver kahit sa napakaliit na pagkakamali. Mabuti pa ang mga pulis napakikiusapan. Sila hindi, lalo na si  Lloyd R. Feliciano. May araw ka rin sa madlang pipol. Mula kay Ka Joel, phlrc member. +63946162….

BIOGAS, NATURAL GAS NASAAN?

Isa akong taxi driver na gumagamit ng gasolina na napakamahal na ngayon. Tanong ko lang po sana, nasaan na ‘yung B I O at N A T U R A L GAS na ipinagmamalaki ni Madam Gloria noong siya pa ang pangulo na sa katunayan, e, nasubukan na nila sa ilang bus na biyaheng Batangas/Manila noon? Tanong pa rin po: bakit sa labas ng bansa ibinebenta ang langis sa Palawan  (Malampaya project) sa halip na mga Filipino ang dapat makinabang? Nagtatanong lang po. +63916680….

PARAK WALANG PLATE NUMBER

Sir Benny, good pm po!  Nabasa ko po sa Remate ang ukol sa colorum cars ng parak at sundalo na wawalisin. Dapat isama sa panukalang batas ang mga motorsiklo. Dito sa Pangasinan, pinatutupad ang No Plate, No Travel policy. Eh mismong kolektor ni Col. Ronald Gayo ng special operations group ng PNP Command ay may mga motorsiklo pero ni walang plaka kapag kumukuha ng timbre sa peryahan. Ang mga tauhan ng Pangasinan Mobile Group sa Tayug na kolektor ni Col. Rhode Espero ay wala ring gamit na plaka sa mga motor. Pero panay ang checkpoint nila sa walang helmet.

Isama na rin po ninyo ang mga bayan ng Pangasinan na Umingan, Balungao at Rosales na kung saan ang mga opisyal ng pulis at mga guro ay nagsasabong. Sa Rosales may dropball na pag-aari ni alyas Lina na kasosyo ng mga opisyal ng PNP. Mabigat na problema naming mga misis kapag nagsugal ang aming mga mister at walang maiuwing pera. Tulungan ninyo kami na kapanalig ng samahan ng kababaihan sa 6th district, Pangasinan. Thanks po, God bless. +63910997….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iatawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply