Pakiusap, walang kuwenta sa mga kompanya ng langis

GRABE ang pagsirit ng presyo ng liquified petroleum gas.

Nasa P7 kada kilo ang LPG prays hayk simula kahapon.

Ngayon mahigit nang P900 ang presyo ng 11 kilo ng tangke.

‘Di ba naglalaro lang sa P600-P700 ito bago mag-Pasko?

Ngayon sumirit na nga sa mahigit P900.

oOo

Siyempre, Suki, mabigat ang pangyayaring ito.

Hindi na lang ang mga misis sa tahanan ang mabibigatan nang todo.

Pati ang mga negosyante, lalo na ang mga maliliit.

Kung umaaray na ang mga nagba-banana at kamote cue, nagtuturo-turo sa dating presyo, lalo silang aaray ngayon.

Hindi lang ito.

Pati ang mga taksi drayber, aaray rin diyan.

Ang mga panadero, aaray rin.

Kaya nga, pagkain, produkto at serbisyo ay magmamahal din.

oOo

Sabi ng mga inutil na taga-Department of Energy, pakikiusapan nila ang mga kompanya ng langis at iba pang dealer o retailer na hatiin ang pagtataas ng presyo ng LPG.

Ipagpalagay nating papayag ang mga dealer o retailer, aba, malaking consuelo de bobo yan.

Pero hahatiin man nila, magpapabilisan ang mga yan sa pagtataas sa mga susunod na araw.

Pero maaaring hindi sumunod ang mga ito lalo na kung utang ang ipinuhunan nila na hindi mapi-pigilan ang pagpapatong ng interes dito.

oOo

Ito na ulit, PNoy, ang sinasabi natin.

Kailangang ikonsentreyt ang gobyerno sa mga usaping higit na problema ni Juan kaysa problema ng mga katulad ni Chief Justice Renato Corona.

Bakit, kung sinasabi ba ng mga taga-DOE na kumakatawan sa Malakanyang sa usaping ito na pakikiusapan nila ang mga kompanyang langis, matutuwa na si Juan?

Tiyak na hindi dahil walang kuwenta yan, walang mangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply