Palasyo dedma sa pagbuhay sa death penalty

AYAW patulan ng Malakanyang ang hirit ni PNP Chief Nicanor Bartolome na panahon nang ibalik ang death penalty sa bansa dahil masyado nang marahas ang mga kriminal.

Nagkaisa sina Deputy Presidential spokesperson abigail Valte at Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa pagsasabing nananatili ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III simula pa noong kampanya na siya ay pro-life.

Sinabi ni Lacierda na hindi pa naaayos ang criminal justice system sa bansa kaya baka mga inosente lang ang mapatawan ng parusang kamatayan.

Kumbinsido naman ang opisyal na kailangan ang pag-amyenda sa Saligang Batas para magkaroon uli ng death penalty sa bansa.

Samantala, nananatiling kontento umano si Pangulong Aquino sa liderato ng PNP sa kabila ng mga nangyayaring karahasan.

Naniniwala ang Malakanyang na maganda ang performance ng PNP dahil naibaba umano ang crime rate sa bansa kumpara sa nagdaang mga taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply