Palawan, Luzon may banta pa ng LPA

TULOY ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Palawan at eastern section ng Central Luzon kasama na ang Southern Luzon dala ng epekto ng low pressure area (LPA).

Agad namang pinaalalahanan ng awtoridad ang mga residente sa lalawigan na posibleng magdulot ng flashfloods at landslides ang nasabing sama ng panahon.

Unang nakita ng Pagasa ang LPA sa 130 kilometers east ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Samantala, hanggang bukas pa mararanasan ng Metro Manila ang panaka-nakang ulan ayon pa rin sa ulat ng PAGASA.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply