Palpak na globe at pambansang welga

SA mga balita ng Globe Telecom, ipinagmamalaki nito kung gaano kahusay ang

programa nito para malabanan ang “pagnanakaw sa load” nito.

Hindi umano katulad ng Globe ang iba na tadtad ng reklamo sa nakawan sa load.

Maaari ngang totoo ang sinasabi ng kompanyang ito kaya nga bago ang mga balitang ito, sinabihan ko ang mga kaibigan ko na lumipat sila sa Globe kung ayaw nilang manakawan nang manakawan ng load.

Kaya lang, parang nagnanakaw na rin ng load ang Globe sa palpak na serbisyo nito.

SARILI ANG KAUSAP

Uulitin kong banggitin ang sarili kong karanasan ukol sa palpak na serbisyo ng Globe.

Kapag tumatawag ako  gamit ang Globe, malimit na yung sarili kong boses ang naririnig ko.

Parang nasa loob pa ng isang building na ume-echo ang boses ko kahit nasa labas ako ng building. Paulit-ulit na nagaganap ito hanggang sa magiging normal.

Dahil sa pangyayaring ito, kapag prepaid ang gamit ko, nauubos ang load ko nang wala akong natatawagan dahil bumabalik nga lang ang boses ko.

Siyempre, lumalaki rin ang babayaran ko sa may linya dahil kung ganito nang ganito ang nagaganap, lalagpas ako sa minimum na gamit at sisingilin na ako ng Globe ng extra charges.

Hindi ba pagnanakaw ito?

KAUSAP HINDI MARIRINIG

Kapag tumawag ka, gamit pa rin ang Globe, madalas na marinig mo ang kausap mo pero hindi ka niya maririnig.

Eh di tatawag ka ulit.

Nauulit-ulit ang ganitong eksena.

Siyempre pa, uulit ka sa pagtawag. Sa ikalawa o ikatlo, magiging successful na ang tawag.

Pero nagastusan ka nang malaki. Lalo na kung mahabaan at international ang iyong call.

Lalagpas ka sa minimum na bayarin sa loob ng isang buwan at diyan ka na tatamaan ng extra charges.

Madali ring maubos ang prepaid card mo.

Tanong ulit: hindi ba pagnanakaw yan?

KUNG HINDI PAGNANAKAW, ANO?

Dahil nga sa may kontra-magnanakaw umano ang Globe, ano ngayon ang mga problemang ito na ikinauubos ng load ng mga subscriber?

Ang isang nakikita natin dito ay maaaring overloaded na ang Globe.

Yun bang === hindi na sapat ang pasilidad nito upang tugunan ang trapik ng komunikasyon na pumapasok sa mga linya nito.

PARANG ILLEGAL RECRUITER

Paano ba madaling maunawaan ang sinasabi kong ito?

Magandang humango tayo ng leksyon sa mga illegal recruiter.

Ito ang ginagawa ng mga animal na ito na ikinapapahamak ng marami nating kababayan.

Halimbawang may 10 na karpintero na kailangan sa abroad, magre-recruit sila ng sobra-sobra at kahit umabot pa sa 1,000 ang aplikante, tinatanggap ang mga ito at pinagbabayad.

Pero ang talagang maipadadala lang nila na trabahador ay 10 lang.

Kaya hanggang sa 10 na lang maglalaro at makikipagsapalaran ang mga migrante.

Pero kumikita ang mga lintek na illegal recruiter.

Sa ibang salita, mga Bro, mas maliit na ang mga kapasidad ng mga cellsite ng Globe kumpara sa mga subscriber.

Kaya nagkakaloko-loko na ang mga linya nito.

PAGING NTC

Itong National Telecommunications Commission ay dapat na mag-imbestiga rito.

Dapat na alamin ng komisyon kung nakakayanan pa o hindi na ng Globe na serbisyuhan ang dami ng subscriber nito.

Kung hindi, eh, ‘di patigilin muna nito ang Globe sa pagpaparami ng subscriber hanggang sa makayanan nitong bigyan ng tapat at mahusay na serbisyo ang mga ito.

PAMBANSANG WELGA

O kayo riyan na binigyan ni Pangulong Noynoy ng kapangyarihan na asikasuhin ang mga problema ng bayan, ano na ang nangyayari at magkakaroon ng pambansang welga laban sa oil price hike sa araw na ito?

Kayo ba riyan sa Department of Energy ay mananatiling walang magawa sa problema?

Totoo namang may pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado pero iba umano ang nagaganap sa mahal kong Pinas.

Nilalagyan umano ng overpricing ng mga kompanya ng langis ang pagtataas ng presyo sa international market.

Reklamo nina comrade George San Mateo ng PISTON, may P5 umanong tongpats sa diesel samantalang nasa P9 sa gasolina.

Dahil dito, alam ba ninyong apektado na ang lahat?

‘Yun bang === marami na ang nakararanas ng kagipitan dahil sa mga oil price hike na may tongpats ng mga kompanya ng langis.

Isa pa, wala man lang din kayong pagkilos para bawasan man lang ang value added tax sa langis.

Maalaala kong hindi kayo umimik noong sinasabi ng San Miguel Corporation at Petron na may P15 na VAT sa langis.

Totoo ba ito at kung totoo, bakit hindi man lang bawasan ito ng gobyerno?

TANGGAL PRANGKISA

Ngayon ay nagbabala kayo na tatanggalan ng prangkisa ang mga sasali sa welga.

Ano ba naman kayo riyan, lalo na ang mga taga-LTFRB.

Kung ako kayo, pupunta ako sa sementeryo, bubunot ng baril kahit teka-teka at magbaril na lang sa sarili.

Walang lugar sa Pinas ang mga inutil at nananakot sa mamamayang naglalabas lamang ng kanilang mga hinaing.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply