Palpak na Globe, tumataas na load, walang SSS

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon na mailabas ng ating mga mambabasa ang kanilang mga paniniwala, karanasan, problema at iba pa.

Heto po sila.

LOAD NG SMART, SUN TUMATAAS

Mr. Benny Antiporda, mabuhay po kayo sa inyong kolum na ultimatum.

Ako po ay isang concerned citizen. Ang hanapbuhay ko po ay magbenta ng load tulad ng Smart, Sun at Globe. Nais ko pong ireklamo ang ‘di ko na masikmura na pagtaas ng presyo ng load sa amin ng dalawang buwayang ito ng telecom company. Kasi nag-merge na po yung Sun at Smart. Lagi pong silang nagtataas ng kanilang load sa kanilang retailer. Kaya ang mga retailer sa mga tindahan nagtataas din ng presyo. kaya pag nagpa-load po kayo sa mga tindahan halimbawa ng P10 magiging P12. Kung P30, magiging P32. Ang iba P3 ang dagdag.

Kaya po darating ang araw na dahil sa laging tinataasan nila ang mga retailer nila na nakatutulong  sa kanila at mga tao na bumibili sa kanila na siyang nagpapayaman sa kanila ay pinahihirapan nila. Darating ang araw na ‘yung papasok sa iyong load na P30, ang babayaran mo ay P40 na. Parang gasolina na sobra sobra na ang kita nila.

KOMUNIKASYON ISAMA SA USAPAN

Kaya sana po ay hindi lang si Corona at pagtaas ng langis ang kanilang asikasuhin.
Isama na nila dapat ang mga telecommunications na ito na nagpapahirap din kay Juan. Hindi lang mga kita ng oil companies at ni Corona ang dapat busisiin. Kasama dapat sana ang telcom na ito sa mga buwaya.

Nawa po ay maiparating ninyo ito sa mga kinauukulan, sa mga congressman at senador at National Telecommunications Commission at sa iba pang media na katulad ninyo. Kahit po imbestigahan o kunan ng mga impormasyon ng mga tindahan na nagtitinda ng mga load, halos napakaliit na lang po ng kanilang kikitain kung di po sila magdaragdag sa singil na siya namang inaayawan ng mga kostumer at nagtitinda.  Maraming salamat po. +63930307….

BITAY IBALIK

Sana ibalik na ang bitay. Dumarami na kasi ang mga manyak at holdaper ngayon na hindi natatakot sa batas. +63912723….

MAGANDA SA VENDOR

Good day, Sir Benny! Malaki na po ang improvement ng Nueva Vizcaya, particularly Solano. In fairness to our honorable mayor, maganda na ang Solano. Ang hindi ko lang ma-appreciate ay kung bakit ‘di nila maalis-alis ang mga sidewalk vendor. Sa Centro mismo, lalo na ang surroundng Poblacion. Ang south, market site, ang dami ng naglalabasang vendor. Nakasisira ng paningin sa mga bisita. Dati pinaaalis ng rumorondang ambulance pero mukhang ningas-kugon lang o takot sila sa mga vendor? +63906862….

GLOBE PALPAK

Good am. Nabasa ko po ang kolum ninyo sa Remate. Tama po ang lahat ng nabanggit n’yo tungkol sa kapalpakan  ng Globe. Ako po ay retailer sa Bulakan. Madalas ko pong ma-encounter yung isang beses lang i-send ang load pero twice magbabawas sa iyo. Pag inireklamo, ibabalik nila after 2 days. Kaso as personal load. Kaya ‘di ‘yun mabebenta at masak-lap pa, mawawala rin kaagad. +63928203….

‘DI PUMAPASOK SA KOSTUMER

Madalas kong ma-encounter yung may nagpa-load at nababawas sa balance ko. Pero ‘di pumapasok sa kostumer kaya ang ending, kaming mga retailer ang inaaway. At super delayed na ang confirmation kaya ‘di kaagad ma-check kung successful ang reloading. Pag ni-load ulit, lugi ka na. Sa kakaunting barya na kinikita, mauuwi pa sa wala dahil sa problema na yan. Salamat po sa pagtalakay sa problema ng Globe. Naway matauhan ang mga pinuno ng nasabing kompanya at aksyunan ang ganitong problema. Salamat po at more power. Alice ng Caloocan. +63928203….

PUNA NG READER

Sir, masyado mong binabatikos ang Globe kasi Smart ang gamit mo siguro. +6390620….

(Gamit ko po ang Globe, Smart at Sun kaya ako nagrereklamo).

KAYA WALANG PAGBABAGO

Sa nakikita ko, mula nang ako ay magkaisip tungkol sa kalagayan ng ating bansa ay malabo na ang pagbabago dahil sa mga umuupong opisyal ng gobyerno mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang posisyon. Puro pangako lamang ang ginagawa at halos lahat ay mayroong bulok na ginagawa. Kawawa ang mahirap. +63999519….

MGA BIKTIMA NG MEDIA KILLINGS

Good afternoon, this is Chris delos Santos of Radyo5 taxi squad. Sir nais ko lang po malaman kung ilan na bang  mediaman ang inyong naitala na biktima ng pamamaslang? +63948252….

(Mahigit na pong 150 katao simula noong 1986).

SINA ENRILE AT MIRIAM

Sir Benny, maka-Corona sina Enrile at Miriam Defensor-Santiago. Napapansin namin, kaya nahahayblad si Miriam kasi sobra ang kanyang talino sa pagkampi sa korap na si CJ Corona.   +63905975….

PSYCHO TEST SA AZKALS

Tama ang DSWD. Dapat na ipa-psychiatric test ang mga player ng AZKALS kasi nakailang beses na silang na-involve sa mga KABASTUSAN katulad ng involvement sa RAPE at ilang SEXUAL HARASSMENT. ERICH DE GUZMAN, ng Manila City. +63920823….

7 TAONG WALANG SSS

Tanong ko lang po kung may habol yung asawa ko, Kasi po 7 years na po siya sa trabaho niya. Hanggang ngayon hindi pa rin po nahuhulugan yung SSS niya. Sana matulungan niyo po kami. Salamat po. +63946139….

oOo

Anomang reklamo o puna ay  itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply